National Unity Party, dumagdag sa mga nagsusulong na manatili bilang House Speaker si Romualdez

Tiniyak ng National Unity Party (NUP) ang buong suporta sa pananatili bilang House Speaker sa 20th Congress ni Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez.

Ayon kay NUP President at Camarines Sur Representative Lray Villafuerte, sa patuloy na pamumuno ni Romualdez ay garantisadong magpapatuloy rin ang pagsusulong ng Kamara sa Bagong Pilipinas vision ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

Pinuri din ni Romualdez ang mahusay na trababo ng 19th Congress sa ilalim ng liderato ni Romualdez kung saan umabot sa 88 mahalagang mga panukalang batas ang naipasa nito kasama ang priority bills ng President at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

34 ang miyembro ng NUP sa Kamara at ito ay itinuturing na second biggest power bloc sa Kongreso kasunod ng Lakas-CMD na pinamumunuan ni Romualdez.

Una nang sinabi ni House Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez na tiyak na ang suporta ng lagpas sa two-thirds ng mahigit sa 300 mga nanalong kongresista kay Romualdez para magpatuloy bilang house speaker sa 20th Congress.

Facebook Comments