National Vaccination Day, dapat suportahan ng mamamayan

Hinikayat ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang lahat ng sektor at ang mamamayan na suportahan ang National Vaccination Day mula November 29 hanggang December 1.

Binanggit ni Go, ito ay joint initiative sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor na layuning mapataas ang bilang ng nabakunahan laban sa COVID-19.

Nasa limang milyong doses ng bakuna ang target maiturok sa nasabing vaccination drive.


Bahagi aniya ito ng pagsisikap ng pamahalaan na mabakunahan ang 50 porsyento ng populasyon sa pagtatapos ng taon.

Tinukoy ng senador na nitong November 7 ay umaabot na sa 64.2 million doses ang bakunang naibigay ng pamahalaan kung saan 34.7 million individual ang natanggap na ng first dose ng COVID-19 habang 29.5 million Pilipino ang fully vaccinated na.

Apela niya sa lahat, magpabakuna na at maging bayani sa pagliligtas na mahawa ng COVID-19 ang sarili at ang kapwa.

Facebook Comments