Inihayag ni National Task Force Vaccine Czar. Carlito Galvez Jr., na nakatakdang ilunsad ang National Vaccination Day sa darating na November 20, tentative pa lamang ang naturang petsa kasabay ng pagbibigay ng booster at 3rd dose.
Sa ginanap na pagbabakuna sa mga menor de edad 12 anyos hanggang 17 anyos sa SM Sucat Parañaque City sinabi ni Scretary Galvez na marami umano silang pinag-uusapan ni Pangulong Duterte sa Davao kung papaano matutulungan ang mamamayang Pilipino na mababakunahan ang lahat kabilang ang mga menor de edad.
Paliwanag pa ni Galvez na maari na umanong mag booster pero uunahin muna ang mga health workers pero inaantay nalamang nila ang guidance ng World Health Organization (WHO) at Food and Drugs Administration (FDA).
Dagdag pa ni Galvez, maganda ang naging rekumendasyon ng Philippine Medical Association (PMA) tungkol sa isasagawa nilang National Vaccination Day kung saan lahat ng mga doktor, volunteers, health workers at iba pa ay sama-samang dadalhing sa vaccination sites para bakunahan ng booster o ikatlong doses ng bakuna.
Layunin umano ng naturang National Vaccination Day na maproteksyon ang ating mga kababayan at kinabukasan na rin ng mga kabataan para magkaroon umano ng masayang Pasko ang lahat.