National Vaccination Day kung saan target na makapag-bakuna ng hanggang 1.5M indibidwal kada araw target ng NTF

Inilatag ni National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar. Sec. Carlito Galvez, ang mga plano ng pamahalaan pagdating sa vaccination roll out ngayong buwan ng November.

Sa talk to the people ni Pangulong Rodrigo Duterte ini-ulat ni Sec Galvez na magkakaroon ng National Vaccination Day na gagawin sa darating na November 20 & 30, 2021 kung saan layon nitong makamit ang 1M – 1.5M jabs per day.

Magbubukas din ng karagdagang 4,000 – 5,000 vaccination sites tulad ng sa mga malls, universities, schools, gyms, camps & function halls ng mga government agencies upang mas mapabilis ang pagbabakuna.


Kasama din dito ang pagmobilize ng mga NGOs, government agencies, private sector at mga volunteers.

Target din ng NTF na makapag administer ng atleast 15M doses ng mga bakuna bago matapos ang kasalukuyang bwan.

Kasama din ang pagkamit sa 90% na mga bakunadong mga guro, estudyante at school personnel bilang paghahanda sa implementasyon ng pilot face-to-face classes.

Ngayong buwan din target ng pamahalaan na mabakunahan ng booster shot ang mga medical health workers na lantad sa COVID-19.

Hangad din ng NTF na magkaroon ng mataas na vaccination rate sa mga menor de edad gayundin ang pagiging 50% fully vaccinated ng mga taga Regions 4A at 3.

Kasunod nito tututukan din ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga senior citizens o mga nakatatanda dahil hanggang ngayon ay nananatiling mataas ang vaccine hesitancy sa mga nasa A2 priority group.

Facebook Comments