National Vaccination Days, itutuloy pa rin ng papasok na Marcos administration

Magtutuloy-tuloy pa rin ang pagpapatupad ng National Vaccination Days sa ilalim ng bagong administrasyong Marcos.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni incoming National Vaccination Operations Center Chairperson and Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na gagawin pa rin nila ito dahil malaki ang naitulong ng mga nakalipas na National Vaccination Days, para maitaas ang vaccination coverage sa bansa.

Ngunit ayon kay Vergeire kinakailangan nilang mag-isip ng long term solution o iba pang estratehiya para mas maitaas pa ang antas ng bakunahan o mas dumami pa ang bilang ng mga Pilipinong kailangang mabakunahan at mabigyan ng booster shot.


Sa ngayon, nasa higit 70-M Pilipino na ang nakatanggap ng primary doses at 26% pa lang sa bilang na ito ang nabigyan ng 1st booster shot kung saan nasa 40-M pang mga Pinoy ang target na maturukan ng booster dose.

Facebook Comments