National vaccination days para sa Bivalent vaccines, asahang ipatutupad ng DOH

Plano ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng national vaccination days para sa Bivalent vaccines kapag dumami na ang supply nito.

Ayon kay DOH Secretary Teodoro Herbosa, kasalukuyan limitado ang bilang ng Bivalent vaccines na natanggap ng pamahalaan mula sa bansang Lithuania.

Tiniyak ng kalihim na kapag nadagdagan na ang suplay ng Bivalent vaccines saka sila magpapatawag ng national vaccination days.


Ang national vaccination days ay ang pagtatakda ng ilang araw na bakunahan para sa mga manggagawa, mga estudyante at iba pang sektor kahit sa mga araw na sila ay may pasok pero ituturing na excused ng kanilang mga kumpanya at eskwelahan basta may ipakikitang patunay na sila ay nabakunahan.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Herbosa na ang nakuhang Bivalent vaccines ng gobyerno mula sa donasyon ng Lithuania ay para lang muna sa mga health worker at senior citizens na may comorbidities.

Halos lahat aniya ng donasyong Bivalent vaccines sa National Capital Region ituturok habang ang 200 libong doses ay ipinamahagi na sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Facebook Comments