National vaccination drive sa ilang rehiyon sa bansa, kinansela na dahil sa Bagyong Odette

61

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ipagpaliban muna ang second round ng national vaccination drive sa ilang lugar sa bansa dahil sa banta ng Bagyong Odette.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, iuurong sa December 20 hanggang 22 ang pagbabakuna sa Bicol Region, Mimaropa, Visayas at Mindanao.

Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga magpapabakuna, health workers at volunteers mula sa posibleng epekto ng bagyo.


Habang tuloy naman bukas, December 15 hanggang 17 ang vaccination drives sa Northern Luzon, Central Luzon at CALABARZON.

Facebook Comments