National Women’s Day, Mainit na Ginunita sa Tuguegarao City!

Tuguegarao City- Mainit at masayang ipinagdiwang ng mga kababaihan sa lungsod ng Tuguegarao ang National Women’s Day kanina, alas singko y mediya ng umaga, Marso 8, 2018.

Pinangunahan nina City Counsellor Claire Callangan, Kendrick Calubaquib, Information Officer Sherwin Bariuan at mga staff ng Tuguegarao City Hall ang pamamahagi ng mga bulaklak sa mga kababaihan sa Don Dominggo Public Market bilang paggunita sa naturang okasyon.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan News Team kay City Counsellor Claire Callangan ng Women and Family Committee, mainit ang naging pagbati nito sa lahat ng kababaihan sa pagdiriwang ng National Women’s Day.


Inaanyayahan din niya ang lahat ng kababaihan na daluhan ang kanilang inihandang aktibidad na gaganapin sa Peoples Gymnasium Tuguegarao sa darating na Marso 15-16 upang mabigyan din umano sila ng kasiyahan.

Dagdag pa aniya, Magkakaroon din umano ng livelihood session ang mga kababaihan upang matulungan ang mga ito na magkaroon ng pagkakakitaan.

Isa nanaman ito sa hindi malilimutang okasyon na isinagawa ng mga Opisyales ng Tuguegarao City upang pasayahin ang mga dakilang kababaihan sa paggunita ng Women’s Day.

Facebook Comments