National women’s football team ng Pilipinas, handa nang makatapat ang Nepal sa 2022 AFC Women’s Asian Cup

44

Handa na ang Philippines women’s national football team na makaharap ang koponan ng Nepal sa pagsisimula ng 2022 AFC Women’s Asian Cup sa Jar Stadium sa Tashkent, Uzbekistan.

Ayon kay coach Marlon Maro, tiwala siyang makakakuha ang team ng Pilipinas ng maximum three points sa paghaharap nito sa koponan ng nepal sa Group F match set ngayong araw.


Ito naman ang kauna-unahang women’s match ng Pilipinas mula noong 2019 Southeast Asian Games.

Pagkatapos ng Group F match ay makakasunod na makakaharap ng Pilipinas ang hong kong sa darating na Setyembre 24.

Facebook Comments