National Women’s Month celebration, nagsimula na sa ARMM!

Mga opisyales at empleyado ng lahat ng ahensya ng pamahalaan sa ARMM ang lumahok sa kick off celebration ng 2018 National Women’s Month sa pamamagitan ng parada sa ORG compound dito sa Cotabato City.
“Meaningful Change for Bangsamoro Women Can Happen” ang tema ng selebrasyon ngayon taon.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni ARMM Executive Secretary Laisa Masuhud Alamia na “Kailangang ipagbunyi ang kapangyarihan at kakayahan ng mga kababaihan hindi lamang sa ARMM at Pilipinas, kundi sa buong mundo.
Pangangasiwaan naman ng Regional Commission on Bangsamoro Women (RCBW) – ARMM ang mga nakanay na aktibidad kaugnay ng Buwan ng mga Kababaihan.
Sa March 14 at 15, ay isasagawa ang 2nd ARMM Bangsamoro Women’s Economic and Development Summit na ang layon ay mas lalo pang palakasin ang kapasidad ng women leaders sa rehiyon na may kanya-kanyang papel na ginagampanan sa economic development.(photo credit:bpi-armm)

Facebook Comments