Manila, Philippines – Karamihan sa mga bumabagsak na kabataan ay ang nabiktima ng iligal na droga at naabuso.
Dahil dito, hinimok ni National Youth Commission (NYC) Chair Aiza Seguerra, ang mga kabataan at mga guro na sama-samang wakasan ang impluwensiya ng bawal na gamot sa buong bansa.
Ginawa ni Seguerra ang paghamon sa paglulunsad kanina ng Council for the Welfare of Children o CWC ng “Pito Bata Pito” “Bata Iligtas sa Droga” bilang panawagan na tumulong sa kampanya na bigyan ng boses ang kabataang biktima ng krimen, sa iligal na droga, bayolente at pagsasamantala.
Sabay-Sabay na hinipan ng mahigit sa anim na libong estudyante ang kanilang mga silbato bilang pakikiisa sa National Children’s Month.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa loob ng San Francisco High School na matatagpuan sa gilid ng SM North sa Misamis St., Barangay Bago Bantay, Quezon City.
Kabilang sa mga nakilahok ang nasa 6,729 students ng naturang eskwelahan na nagmula sa grade one hanggang grade 10.