National Youth Day naging generally peaceful ayon sa PNP

Sa Cebu, Naging mapayapa sa pangkalahatan ang limang araw na National Youth Day na ginanap sa Cebu at tinapos kahapon.

Ito ang inilarawan ng Cebu City Police Office, Colonel Royina Garma sa pagtatapos ng NYD 2019  na dinaluhan ng labing dalawang libong  mga kabataan mula sa ibat ibang mga diocese sa boung bansa.

Kabilang sa dumalo sa mga huling araw ng NYD ay si Catholic Bishops Conference of the Philippines President Archbiship Rumulo Valles at ang Papal Nuncio na si Gabrielle Giordano Caccia.


Pinasalamatan din ni Garma ang simbahang Katoliko dahil sa pagtitiwala nito mabigyan ng sapat na seguridad ang boung mga aktibidad ng NYD sa Cebu nitong nakaraang Linggo.

Facebook Comments