Nationalist People’s Coalition, tatalakayin na ang pagpapatalsik kay suspended Mayor Alice Guo sa partido

Sinimulang talakayin ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang pagpapatalsik kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa partido.

Mababatid na ito ang rekomendasyon ni Senator Sherwin Gatchalian, member ng NPC advisory council, dahil sa pagkakasangkot ni Guo sa mga iligal na gawain at sindikato sa POGO at para mapanatili ang integridad ng partido.

Ayon kay Gatchalian, sa mga susunod na linggo ay target nilang pag-usapan ito kapag nag-convene na ang council.


Maging si Senator Loren Legarda na kasama rin niya sa konseho ay sang-ayon na alisin na sa NPC si Guo.

Gagamitin aniya nilang ebidensya sa pagpapatalsik kay Guo bilang miyembro ng NPC ang mga findings na makakalap sa imbestigasyon ng Senado.

Naniniwala si Gatchalian na may sapat na grounds para sipain sa NPC si Guo lalo pa aniya na lahat ng dokumentong may pangalan ng Alkalde ay puro kwestyunable.

Facebook Comments