Tinukoy na ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nationality ng pitong foreign terorrist na nakapasok sa Western Mindanao.
Aniya ang mga ito ay Egyptian, Malaysian, Indonesian at Singaporean.
Una nang kinumpirma ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana na may pitong teroristang banyaga ang nakapasok sa Western Mindanao pero hindi nya tinukoy ang mga Nationality dahil sa maaring negatibong reaksyon ng mga embassy.
Aniya pa kasama na ang pitong foreign terrorist na ito ng mga teroristang grupo Abu Sayyaf Group, Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter.
Inihayag ni Lorenzana na nakakapasok ang mga foreign terrorist na ito sa bansa sa pamamagitan ng maliit na bangka galing Malaysia o Indonesia patungo sa Tawi-Tawi hanggang sa makarating na Jolo Sulu.
Tiniyak ni Lorenzana na magkakaroon ang militar ng mas maigting na operasyon laban sa mga grupo ng terorista sa Mindanao upang tuluyan nang matapos ang problema sa terorismo.