Hinimok ng DOST-PHIVOLCS ang publiko na makiisa sa unang quarter ng Nationwide simultaneous earthquake drill sa February 21 (Huwebes).
Sa abiso ng PHIVOLCS, ganap na alas dos ng hapon ay inaanyayahan ang lahat na makiisa sa earthquake drill.
Dito ay hinihikayat ang lahat na sabay-sabay na mag-duck, cover and hold pagsapit ng nabanggit na oras.
Layon nito na masukat ang kahandaan at masubukan ang response at recovery plans sakaling tumama ang malakas na lindol.
Sabi ni DOST Undersecretary Renato Solidum Jr., umaasa sila na mahihiyakat ng aktibidad ang publiko na mapagbuti ang disaster resilience.
Muli ring inulit ng pamahalaan na dapat ay maging handa ang publiko para sa “The Big One” dahil matagal nang hinog ang west valley fault na posibleng gumalaw anumang oras.