
Nag-ikot ang ilang mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isang mall sa Divisoria, Maynila.
Ito’y sa pangunguna ni BIR Commissioner Charlito Mendoza sa ilalim ng Nationwide Friendly Tax Compliance Verification Drive (TVCD) ngayong Tax Awareness Month.
Isinagawa ito sa 22 Revenue Regions sa buong bansa sa pamamagitan ng CHAT day o Counsel, Help, Assist – Taxpayers program ng BIR.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang boluntaryong tax compliance at edukasyon sa buwis, kasabay ng pagbibigay ng gabay sa tamang pagpaparehistro, pag-iisyu ng resibo, at pagtugon sa filing at payment concerns.
Isa-isang inikot at kinausap ni Comm. Mendoza ang mga may-ari o nakapwesto sa mga stall sa 168 Mall sa Binondo-Divisoria.
Bawat stall na nakitaan ng hindi pagpasa sa tax compliance ay hindi muna huhulihin at pagmumultahin.
Sa halip sila ay bibigyan ng pagkakataon ma matulungan makakuha ng mga kinakailangan dokumento at proseso para maging tax compliance sa ilalim ng BIR.
Kaugnay nito, nananawagan ang BIR sa iba pang mga taxpayer na panatilihin ang maayos na rehistro, mag-isyu ng opisyal na resibo, magtala ng tamang rekord, at mag-file kasabay ng pagbayad ng tamang buwis.










