Sa diwa ng Pasko, magsasagawa muli ang Malacañang sa ikalawang pagkakataon ng nationwide gift-giving day o tinawag na Balik Sigla, Bigay Saya Program.
Ito ay sabay-sabay na gagawin sa 250 lokasyon sa buong bansa bukas na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kalayaan grounds sa Malacañang.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), inaasahang aabot sa 17 libong mga kabataan mula sa piling shelters at orphan care center sa buong bansa ang magiging espesyal na bisita sa pagdiriwang na ito na inisyatibo ng Office of the President (OP).
Suportado naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng President’s private support groups, ang pag-organize ng nationwide gift-giving day nationwide.
Ilan sa mga malalaking participating centers ng OP sa pagsasagawa ng nationwide gift-giving day ay sa Cebu na may 449 kabataan na mula sa Cebu Technological University sa Cebu City at University of Mindanao, Matina Campus sa Davao del Sur na may 600 kabataan ang inaasahang makakatangap ng regalo mula sa Malacañang ngayong panahon ng Pasko.