Nationwide job at business fairs, ikakasa sa Labor Day

Ikakasa sa araw ng Labor Day (May 1) ang malawakang job at business fairs sa 29 na lugar sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III – higit 1,500 participating employers ang mag-aalok ng 200,000 local at overseas jobs sa pinakamalawak na “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” o TNK at Build Build Build Job and Business Caravan.

Gaganapin ang dalawang job and business fair sa Kingsborough International Convention Center sa San Fernando, Pampanga.


Karamihan sa mga alok na trabaho ay mula sa sektor ng konstruksyon sa ilalim ng infrastructure program ng pamahalaan, habang may oportunidad sa ibang bansa ang mga skilled professionals, gaya ng English teachers sa Thailand.

Mayroon ding simultaneous learning sessions sa mga paksa gaya ng Philippine Qualifications Framework ng Department of Education (DepEd), paano magsimula ng negosyo ng Department of Trade and Industry (DTI) at skills demonstration ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Aabot sa 100 TESDA scholarships ang igagawad.

Ang National Reintegration Center for OFWs at Bureau of Workers with Special Concerns ay magsasagawa naman ng livelihood seminar sa mga interesadong job seekers.

Ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay magkakasa ng pre-employment orientation kasama ang Pag-IBIG Fund.

Facebook Comments