Nationwide job fair ng DOLE para sa Labor Day – naging matagumpay

Manila, Philippines – Naging matagumpay ang isinagawang nationwide job fair ng Department of Labor and Employment kasunod ng selebrasyon ng Labor Day.
Sa interview ng RMN kay DOLE Usec. Joel Maglungsod – batay sa tala, aabot sa 30,000 ang lumahok sa taunang job fair kung saan halos 2,000 ang na-hired on the spot.
Tinatayang aabot sa 10,000 na aplikante ang matatanggap kapag pumasa sa susunod na interview.
Bukod sa mega job fair, itinuturing din ng DOLE na matagumpay ang lahat ang isinagawang Labor Day assembly sa People’s Park, Palma Gil St., Poblacion District, Davao city na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments