Nationwide job fairs ng DOLE, isinasagawa ngayon para sa mga naghahanap ng trabaho

Manila, Philippines – Nagsasagawa ngayon ng nationwide job fairs ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga naghahanap ng trabaho.

 

Kaugnay nito, iniimbitahan ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ang mga mag-aaral na magsisipagtapos, mga walang trabaho  at kahit ang mga bumabalik na overseas Filipino workers na dumalo sa mga job fair na ginaganap at naka-iskedyul sa natitirang linggo ng Marso.

 

Ayon sa Kalihim, ang mga fair ay idinaraos upang mas maginhawa at matipid ang paghahanap ng trabaho.

 

Dito ayon sa Kalihim ay may tsansang agad matanggap o ma-hire-on-the-spot ang isang isang aplikante kung tugma ang mga kwalipikasyon batay sa hinahanap ng mga kalahok na employer.

 

Kabilang sa mga kailangang dalhin ay resumè  o curriculum vitae (magdala ng dagdag na kopya para sa maramihang aplikasyon sa trabaho); 2×2 ID pictures; certificate of employment para sa mga dating nagtatrabaho; diploma o transcript of records; at authenticated birth certificate.



Facebook Comments