“Nationwide Libreng Sakay Program”, hiniling ni Congresswoman Villar na palawigin hanggang sa susunod na taon

Umapela si House Deputy Speaker Camille Villar sa administrasyong Marcos na palawigin hanggang sa susunod na taon ang “Nationwide Libreng Sakay Program” na sinimulan ng Duterte administration.

Sa inihain niyang House Resolution 173 ay ikinatwiran ni Villar na kailangang matiyak ng pamahalaan na may masasakyan ang publiko na nagsisikap tayong sa normal sa gitna ng COVID-19 pandemic at naghahanda rin sa papalapit na face-to-face classes.

Diin ni Villar, malaking tulong ang libreng sakay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.


Mahigit 140 na ruta ng pampublikong jeep ang nasa ilalim ng Libreng Sakay bukod sa Libreng Sakay rin sa Metro Rail Transit o MRT-3, Light Rail Transit o LRT-2, Philippine National Railways (PNR) at EDSA Carousel Bus.

Sa ngayon ay pinalawig ng administrasyong Marcos ang Libreng Sakay sa EDSA Carousel Bus hanggang Dec. 2022, habang ang Libreng Sakay sa LRT-2 ay mula Aug. 22 hanggang Nov. 5 pero limitado na lamang sa mga estudyante.

Facebook Comments