Nationwide MGCQ, nakadepende sa LGUs – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nakadepende sa kahandaan ng mga Local Government Units (LGUs) ang ipapatupad na quarantine classification sa isang lugar o rehiyon.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong sinusunod na ‘parameters’ para rito, kabilang na ang bilang ng COVID-19 cases at healthcare capacity.

Binigyang diin pa ni Vergeire, na dapat magkaroon ang mga LGU ng mahusay na surveillance, contact tracing, isolation o quarantine, at screening sa kanilang borders para mapigilan ang pagkalat ng virus.


Mahalaga sa DOH ang sentimiyento ng mga alkalde dahil sila ang nakakaalam ng sitwasyon sa kanilang lugar.

May awtoridad din aniya ang mga LGUs na magpatupad ng localized lockdowns.

Facebook Comments