Pababa na ng pababa ang COVID-19 cases sa bansa.
Batay sa projection ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, posibleng pumalo lang ngayong araw sa 150 hanggang 200 ang panibagong kaso ng COVID-19.
Ayon kay David, ito ay dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng kaso ng mga nagkakasakit kung saan naitala na lamang sa 2.1 percent ang nationwide positivity rate.
Nakapon, naitala lang sa 200 ang panibagong kaso ng COVID-19 kung saan 65 dito ay mula sa Metro Manila.
Animnaput anim naman ang gumaling habang labing walo ang panibagong nasawi.
Sa ngayon ay nasa 10,094 ang active cases ng COVID-19 sa bansa.
Facebook Comments