Manila, Philippines – Tinututukan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nationwide profiling ng mga menor-de-edad na manggagawa.
Ito ay bilang bahagi ng aksyon kontra child labor sa Pilipinas.
Ayon kay DOLE Bureau of Workers with Special Concerns Division Chief Maribeth Casin – sa inisyatibong ito, matutukoy ng DOLE katuwang ang iba’t-ibang ahensya ang pagkakakilanlan ng mga kabataan gayundin ang kanilang kinaroroonan.
Nasasagip din ang mga child laborer at naibibigay ang angkop na serbisyo sa kanila.
Target ng pamahalaan na matulungan ang mga nasa higit 600,000 child laborers sa bansa sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments