Manila, Philippines – Kasado na sa March 15 (Huwebes) ang nationwide protest na kokondena sa hindi pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa draft ng Executive Order na magbabawal sa lahat ng uri ng contractualization.
Sabi ni kilusang Mayo Uno Chairperson Elmer Labog, kahit na hinihingi ng Pangulo na makipag-kompromiso ang sektor ng mga manggagawa ay hindi naman sila papayag na basta na lang isuko ang mga inilatag nilang mga demand.
Aniya, masyado nang pinalabnaw ng Department of Labor and Employment ang isinumite nilang EO, at hindi sila papayag na mas pahinain pa ito.
Maliban sa KMU, makikibahagi sa pagkikos ang Federation of Free Workers; Trade Union Congress of the Philippines at mga labor center sa ilalim ng nagkaisa coalition.
Facebook Comments