Plano ng Philippine Statistics Authority (PSA) na magsagawa ng nationwide registration para sa national ID system sa Enero 2021.
Mismong si National Statistician at National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Dennis Mapa ang naglabas ng pahayag at inaasahan na lahat ng Pilipino ay marerehistro na sa nasabing sistema sa susunod na taon.
Matatandaang mismong ang PSA ang nagsabing magkakaroon ng tatlong step kung saan ang una rito ang rehistrasyon para sa siyam na milyong low-income household heads na magsisimula na sa Lunes, October 12, 2020.
Sa ilalim nito, magbabahay-bahay ang PSA enumerators para kolektahin ang pangalan, kasarian, petsa ng kapanakan, lugar ng kapanakan, address, citizenship, marital status, cellphone number at email address.
Magsisimula naman ang step 2 sa Nobyembre 25 at sa ilalim nito, kukunin ng PSA ang biometric information tulad ng iris scan, fingerprints at photograph sa PhilSys registration centers.
Ang step 3 naman ay magsisimula sa 2021 at dito na sisismulan ang pag-iisyu ng PhilSys number at ID.