Nationwide rollout ng electronic business one-stop-shop assistance sa mga LGU, inutos ni PBBM

Inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nationwide rollout ng assistance sa mga lokal na pamahalaan na bigong makapag-set up ng electronic business one-stop-shop o ang digitalized at mas mabilis na proseso ng business permits at iba pang dokumento.

Ito ay makaraang ihayag ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na 630 pa lamang mula sa 1,637 Local Government Units (LGUs) ang nagpapatupad ng bagong mekanismo.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni ARTA Director General Ernesto Perez na isasagawa ang nationwide rollout sa huling linggo ng enero at makakatulong nila ang Presidential Management Staff, Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Information and Communications Technology.


Nakapaloob sa utos ng pangulo na bibigyan ang mga LGUs ng hardware at technical assistance para sila ay makapag-comply sa one-stop-shop.

Ayon kay Perez, mismong si PBBM ang nagbigay ng New Year resolution kaugnay sa patuloy na pagpapaganda at pagpapabilis ng serbisyo ng pamahalaan.

Facebook Comments