Nationwide search para sa susunod na Darna, bubuksan sa publiko

Magkakaroon ng nationwide search para sa susunod na Darna.

Ayon kay Star Cinema managing director Olivia Lamasan, magsasagawa sila ng audition para sa magiging next Pinay superhero.

Ilang artista na raw ang sumubok na mag-audition pero gusto pa rin nilang maging bukas ang role sa iba.


Magsisimula ang “Darna hunt” sa Mayo 4 at Mayo 5 sa ABS-CBN Center.

Magkakaroon rin raw ng iskedyul ng audition sa ibang probinsiya para sa susunod na Darna.

Matatandaang una nang umatras noong Abril ni Liza Soberano sa pelikulang “Darna” matapos madurog ang bahagi ng buto sa kaniyang hintuturo.

Facebook Comments