Hinikayat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko na makiisa sa second quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw.
Ito ay bilang paghahanda sa mga lindol lalo na sa ‘The Big One’ o magnitude 7.2 na lindol na nagbabadyang tumama sa Metro Manila at iba pang lugar.
Ayon kay DOST Undersecretary, Phivolcs Director Renato Solidum – gaganapin ang drill mamayang alas-dos ng hapon at pangungunahan ito ng city government ng Bayugan, Agusan del Sur sa pamamagitan ng pagpindot ng button.
Mayroon ding inihanda ang Phivolcs na earthquake hazard at impact scenarios na gagamitin bilang gabay sa pagpaplano at pagsasagawa ng earthquake drills.
Ang Office of Civil Defense Regional Offices ay nagtalaga na ng pilot sites sa iba’t-ibang panig ng bansa para sa pagpapatupad ng evacuation procedures at response plans.