Manila, Philippines – Aarangkada na bukas (July 23) ang pagpapatupad ng Executive Order number 26 o nationwide smoking ban.
Sa ilalim ng kautusan ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at pampublikong transportasyon.
Bawal na rin ang pagbebenta ng sigarilyo malapit sa mga eskwelahan at iba pang pasilidad na para sa mga menor de edad.
Ipinagbabawal ding mag-yosi sa mga pampublikong sasakyan.
Inirekomenda naman ni Health Sec. Paulyn Ubial – magtalaga ng indoor o outdoor smoking area ang mga establisyimento.
Kapag lumabag papatawan ng 500-1,000 pesos na multa sa unang offense, 1,000-5,000 pesos sa ikalawang offense habang 5,000-10,000 pesos ang multa sa ikatlong offense.
Pwede ring bawian ng business permit ang mga negosyong lalabag.