Nationwide Transport Strike, ikakasa muli ng Stop and Go Coalition sa huling linggo ng Setyembre

Manila, Philippines – Ikinakasa ng grupong Stop And Go Coalition ang dalawang araw na malawakang tigil pasada sa buong bansa.

Ayon sa national president ng grupo na si Jun Magno – sa Setyembre 25 hanggang 26 gagawin ang protesta mula sa iba’t ibang mga lalawigan maging sa Metro Manila.

Lulusubin nila ang tanggapan ng LTFRB at Department of Transportation bilang pagkontra sa planong modernization program sa mga public utility vehicles.


Plano rin nila na magsampa ng reklamo sa tanggapan ng Ombudsman laban sa ilang opisyal ng LTFRB.

Facebook Comments