
Wala nang urungan at tuloy na ngayong araw ang ikakasang nationwide transport strike.
Pangungunahan ito ng grupong Piston, ACTO, at Stop and Go Coalition ang programa.
Kinukwestyon ng mga ito ang nakatakdang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program kung saan papalitan ang mga pampasaherong jeep na 15-taon nang ipinapasada.
Ayon kay ACTO National President Efren De Luna – posibleng 90% ng mga jeep ang makikilahok sa kanilang programa.
Bagamat pabor sila sa modernization, kontra sila sa ilang probisyon nito kabilang ang proseso ng pagpapautang sa mga bagong jeep, prangkisa, at pagkakaroon rationalization sa ruta.
Facebook Comments









