Manila, Philippines – Handa na ang isasagawang ‘tigil-pasada’ ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ngayong araw sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ang nasabing transport ay bilang protesta sa isinusulong pag-phase out sa mga lumang pampasaherong jeepney.
Dinadahilan kasi ng mga jeepney operators na bukod sa dagdag gastos sa kanila ay magiging pabigat din ito sa mga pasahero dahil posibleng maging minimum na pasahe ay dose pesos.
Ayon pa sa grupo, hindi sila titigil na magsagawa ng makailang ulit na ‘tigil-pasada’ hangga’t hindi sila napapakinggang ng gobyerno.
Una nang isinusulong ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pagpalit o pag-phase-out ng mga lumang jeepney at papalitan ito ng electric jeepney.
* DZXL558*