Nationwide travel protocol flowchart, inilabas ng otoridad; mga panuntunan sa paglalakbay, ipinaliwanag

Muling nilinaw ng otoridad ang mga panuntunan sa paglalakbay ngayong karamihan sa mga lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.

Sa interview ng RMN Manila kay Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, naglabas sila ng nationwide travel protocol flowchart na nakapaskil sa lahat ng police station sa bansa upang magabayan ang publiko sakaling nais nilang maglakbay sa ibang lugar.

Ayon kay Eleazar, batay sa flowchart, ang isang tao na nasa loob ng Metro Manila at pupunta sa ibang lugar sa loob lang din ng National Capital Region (NCR) ay hindi na kina-kailangan ng travel permit, bagkus ay company ID at Certificate of Employment (COE) na lang ang kinakailangan.


Habang ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na work-related ang pupuntahan sa labas ng Metro Manila o sa ibang lugar ay company ID at COE lang ang kailangan, at hindi na ang travel authority.

Nilinaw ni Eleazar na ang travel authority ay para lamang sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at emergency travelers.

Ang mga nasa Cebu City na nasa ilalim ng Enchanced Community Quarantine (ECQ) at Talisay City na nasa Modified ECQ ay may mga kinakailangan pang requirements bukod sa travel authority.

Facebook Comments