Pinangunahan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman, George Erwin Garcia, ang kick-off ng automated counting machines (ACMs) nationwide roadshow.
Ginanap ito sa Manila High School sa Intramuros kung saan ilang mga residente sa limang barangay sa lungsod Maynila ang inimbitahan.
Dito ay isinailalim sa seminar ang mga residente at aktwal na nagamit ang ACMs upang malaman nila ang proseso ng pagboto.
Ipinaliwanag din sa mga dumalo ang mga function at sistema ng ACMs para masiguro na mabibilang at mababasa ang kanilang boto.
Sa pahayag pa ni Chairman Garcia, bukod sa nasabing paaralan ikinakasa rin ang naturang voters’ education campaign sa iba pang panig ng bansa.
Ang hakbang na ito ng Comelec ay magtatagal ng hanggang Enero 30, 2025 bilang paghahanda sa nalalapit na midterm elections.