
Pinangunahan ni Presidential son at Bagong Pilipinas Youth (BPY) Chairperson William Vincent Marcos ang opisyal na paglulunsad sa Bagong Pilipinas Youth Hub kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025.
Ayon kay Vinny Marcos, layon ng BPY na suportahan at palakasin pa ang kakayahan ng kabataang Pilipino na maging maaasahang lider sa hinaharap at magdulot ng pagbabago sa kanilang komunidad.
Ilan sa mga nakalatag na proyekto ang Youth Voters’ Registration Hub, Bagong Kabataan Academy para sa leadership training, film screenings at sports tournaments.
Nariyan din ang mental health caravans, anti-bullying seminars, community cleanups, pati na rin mga kompetisyon gaya ng songwriting, spelling contests, at support programs para sa out-of-school youth.
Nanawagan din ang batang Marcos ng suporta mula sa gobyerno, pribadong sektor, non-government organizartions (NGOs), hanggang sa paaralan at komunidad para matiyak na magiging matagumpay ang mga programa.









