Natitirang 12 colonels & generals, hinihikayat ng PNP na magsumite na ng kanilang courtesy resignation

Patuloy ang panawagan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa natitirang 12 koronel at heneral na magsumite na rin ng kanilang courtesy resignation.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., kung malinis naman ang mga ito ay wala silang dapat na ikatakot.

Sinabi ni Azurin na bahagi lamang ito ng internal cleansing sa hanay ng PNP upang malinis mula sa iligal na droga lalo na ang mga 3rd level official.


As of January 18, 2023, nasa 941 o katumbas ng 98.74% mula sa kabuuang 953 mga koronel at heneral ang nakapaghain na ng kanilang courtesy resignation kung saan 12 na lamang ang hindi pa kumakasa sa hamon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Paalala ng PNP chief, mayroon na lamang hanggang January 31, 2023 ang mga ito para makatugon sa panawagan ni SILG Abalos.

Facebook Comments