Aabot na lang sa ₱6 bilyon ang natitira sa ₱20 bilyon na 2021 National Disaster Risk Reduction Management Fund.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, ang ₱5 bilyon bahagi ng pondo ay inilaan para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Nasa ₱13 bilyon naman ang pondo para sa iba’t ibang emergency sa bansa gaya ng bagyo.
Habang ang 68 porsyento ng 2020 calamity fund ay ginamit ng NDRMMC para sa COVID-19 response.
Tiniyak naman ni Timbal na ang natitirang pondo ay isinasantabi para sa iba’t ibang kalamidad nitong taon.
Facebook Comments