Nasa 5,000 na lamang mula sa 24,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naghihintay na makauwi sa kanilang mga probinsya.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na pauwiin na ang mga stranded OFWs at makasama ang kanilang mga pamilya.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, aabot na sa higit 19,010 OFWs ang kanilang napauwi.
Aniya, target nilang mapauwi ang mga natitirang OFWs ngayong araw.
Muling humingi ng paumanhin si Bello sa mga OFW at iginiit na hindi intensyon ng pamahalaan na pahabain ang kanilang quarantine at i-antala ang paglalabas ng kanilang COVID-19 test results.
Para maiwasan ang magulong proseso sa pagpapauwi sa mga OFW, bumuo na ang DOLE ng command center na magsisilbing repository ng mga datos at impormasyon hinggil sa repatriated OFWs.