Umapela ang National Vaccination Operations Center (NVOC) sa mga lokal na pamahalaan na iturok na ang natitirang 6,000 AstraZeneca dose bago ito ma-expire sa katapusan ng Hulyo.
Ayon kay NVOC Head at Health Usec. Myrna Cabotaje, ang 6,000 na natirang bakuna ay bahagi pa ng 2 million AstraZeneca vaccine na donasyong ng COVAX Facility noong Mayo.
Aniya, pwede ng gamitin ang natirang AstraZeneca vaccine bilang unang dose at kunin na lang ang second dose sa mga paparating pang supply sa bansa.
Kadalasan kasing tumatagal lamang ang buhay ng AstraZeneca dose ng isa o hanggang dalawang buwan.
Samantala, sinimulan na rin ng NVOC ang pamamahagi sa mga local health center ng mahigit 3 milyong AstraZeneca dose na dumating noong nakaraang linggo.
Ang mga ito ay ma-e-expire sa Agosto 31; September 30; at October 31.