Natitirang bahagi ng Food Terminal complex sa Taguig, gagamitin ng DA sa pagproseso ng mga agri products

Manila, Philippines – Balak ng Department of Agriculture na hanapan ng mapaggagamitan ang natitirang bahagi ng Food Terminal complex sa Taguig.

Taong 2012 nang ibenta ng gobyerno ang FTI property sa Ayala Group sa halagang 24 billion pesos.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol , may 25-hectare pa ng lote sa Taguig ang nasa disposisyon ng Department of Agriculture.


Nais buhayin ni Piñol ang naunang plano ng gobyerno na magtayo ng food terminal facilities para sa pagproseso ng mga gulay, prutas at isda mula sa ibang panig ng bansa.

Gagamitan ito ng modernong teknolohiya sa daily advisory ng presyo ng produktong manok at karne

Facebook Comments