Cauayan City, Isabela- Mayroon na lamang 237 na natitirang kama para sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa inilabas na impormasyon ng Isabela Provincial Information Office as of August 16, 2021, umabot na sa 723 hospital beds mula sa mga pampubliko at pribadong ospital sa Lalawigan ang nagamit na at nakalaan sa mga COVID patients sa probinsya.
Sa kasalukuyan, nasa 70.12 porsyento na ang nagamit sa bed capacity ng Lalawigan na ngayon ay kinategorya sa ‘High Risk’ ayon na rin sa inilabas na classification ng DOH.
Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat nina Governor Rodito Albano III at Vice Governor Faustino ‘Bojie’ Dy III ang mga Isabelino na sumunod sa health and safety protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, face shields kung magtutungo sa matataong lugar o sa mga pampublikong tanggapan, establisyimento; madalas na paghuhugas ng kamay at pag-obserba sa social distancing.
Hinihimok din ang mga mamamayan na magpabakuna kontra COVID-19 kung mayroon ng schedule upang lalong maprotektahan ang sarili sa banta ng nasabing virus.