Natitirang buwan sa termino ni Pangulong Duterte, ibubuhos sa COVID response

65

Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na tututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang COVID-19 response sa bansa sa mga nalalabing buwan nito sa kanyang termino.

Sinabi ni Go na ito rin ang isa sa mga rason kung bakit umatras si Pangulong Duterte sa kanyang senatorial bid.

Aniya, wala nang burden ng pangangampanya sa pangulo kaya maibibigay nito ang buong panahon niya sa pagtutok sa paglaban sa COVID-19 sa bansa.


Samantala, hanggang ngayon ay wala pang napipisil na presidentiable si Pangulong Duterte.

Gayunman, sinabi ni Go na siguradong inoobserbahan ng pangulo ang lahat ng mga kandidato sa pagkapangulo at tinitignan kung sino ang makapagpapatuloy ng mga nasimulang programa ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments