Natitirang calamity funds sa bansa, nasa P16 billion – DBM

Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na may natitira pang ₱16.8 billion calamity funds ang bansa para sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) na pwedeng gamitin.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, maaaring gamitin ang natitirang pondo para makaresponde ang pamahalaan sa mga nangyari at mangyayari pang kalamidad hanggang sa katapusan ng taon.

Kabilang sa naturang pondo ang ₱11.774 billion para sa regular NDRRM fund, kasama ang initial ₱5 billion at karagdagang ₱10 billion augmentation sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.


Nabatid na ang Bayanihan 2 na nilagdaan bilang batas noong Setyembre ay naglaan ng ₱165.5B relief package laban sa COVID-19.

Kabilang din sa pondo ang ₱8.7 million para sa Marawi Recovery Rehabilitation and Reconstruction Program at ₱4.943 billion sa comprehensive aid sa pagsasaayos ng mga napinsala ng lindol sa Region 11 at 12.

Facebook Comments