Hindi nawawala ang 36.91 million pesos na donasyon sa Office of Civil defense.
Tiniyak ito ni OCD Administrator at NDRRMC Executive Director Usec Ricardo Jalad kasunod ng ulat ng Commission on Audit na 10 libong piso lamang sa 36.91 million pesos na donasyon sa OCD ang kanilang nagastos para sa taong 2018.
Paliwanag ni Jalad, ginagamit lamang kasi aniya nila ang donasyon ito bilang quick response fund ng mga biktima ng Marawi Siege kaya kokonti pa lamang ang nababawas sa 36.91 million pesos na donasyon.
Aniya sakop ng quick response fund ay ang funeral assistance, transportation assistance para sa mga biktima, feeding programs sa mga eskwelahan , food non-food items and family packs, at rice augmentation para sa DSWD Field office.
Maging ang pagbili ng mga pangangailan sa mga evacuation centers sa Lanao Del Norte, reconstruction ng school buildings at pagsuporta sa Task Force bangon Marawi field office.
Sinabi pa ni Jalad na hindi 10 libong pisong sa halip 1 milyong piso na ang nabawas sa 36 milyong pisong donasyon na maaring hindi lamang nairekord ng COA.
Ang isang milyong pisong ito aniya ay ibinigay nila sa Task Force bangon Marawi field office para pondo sa mga proyekto may kinalaman sa ramadan ng mga kapatid na muslim sa Marawi.