Natitirang mga Pilipino sa Lebanon, pinalilikas na habang mayroon pang commercial flights

Pinalilikas na ng Philippine Embassy sa Lebanon ang natitira pang mga Pilipino sa nasabing bansa sa harap ng tumitinding kaguluhan doon.

Ayon sa embahada, mahalagang lisanin na ng OFWs ang Lebanon habang mayroon pang commercial flights.

Ang mga Pinoy naman na ayaw lumikas ay pinapayuhan na mag-ingat at manatili buksan ang komunikasyon sa Philippine Embassy.


Pinapayuhan din sila na laging ihanda ang kanilang passport.

Ang mga sasailalim naman sa voluntary repatriation ay hinihimok na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Lebanon at sa Migrant Workers Office sa nasabing bansa.

Facebook Comments