Natitirang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Bohol nagtangkang mang-hostage; isa patay matapos ang sagupaan

Bohol, Philippines – Hindi nagtagumpay ang dalawang miyembro ng abu Sayyaf Group na tangayin ang ilang residente ng Brgy. Cahayag Panggangan Island, Bohol matapos na maramdaman ang paparating na tropa ng Philippine Army.

Sa ulat ni region 7 pnp regional director chief supt noli taliƱo alas 12:30 ng tanghali kanina ng mamataan ng mga awtoridad ang dalawa pang natitirang asg member sa Brgy Cahayag Panggangan Island Bohol.

Na-hostage nila ang ilang residente sa lugar pero iniwan din matapos ang mabilisang pagresponde ng militar.


Tumakas ang dalawang bandido sakay ng motorsiklo pero nang makita ng ginagawang check point operation ng PNP ay nag-iba nang direksyon ngunit nakita ng mga residente at agad na ipinagbigay alam sa mga awtoridad.

Facebook Comments