Natitirang miyembro ng Maute, humahalo na sa mga naililigtas na hostages sa Marawi City

Marawi City – Beneberipika na ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang impormasyong ilan sa mga nailigtas na bihag ng Maute ISIS Terrorist group ay mga miyembro ng mismo ng teroristang grupo.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, posible raw kasing humahalo na sa mga naililigtas na bihag ang mga natitirang miyembro ng Maute ISIS group sa takot na mapatay ng militar.

Sa katunayan ayon kay Arevalo, mayroong sampung bihag na kanilang nailigtas mula sa mga kalaban ang isinasailaim sa verification upang matiyak na hindi ito mga terorista.


Ang sampung bihag na ito ay kasama sa 20 bihag na nailigtas ng tropa ng pamahalaan simula noong lunes ng magdeklara ang Pangulong Rodrigo Duterte ng declaration of liberation.

Sinabi naman ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año na 29 na ang napapatay na miyembro ng Maute group simula ng declaration of liberation.

Kaya sa kabuuan ayon naman kay Col. Arevalo, aabot na sa 850 ang napapatay na Maute ISIS Group members at 163 mga sundlao at pulis ang nagbuwis ng kanilang buhay.

Facebook Comments