Marawi City – Tinatayang nasa 80 na lang ang mga natitirang miyembro ng Maute Group sa loob ng Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera – nasa loob pa ng business district ng siyudad ang mga ito na posibleng nagtatago sa halos 800 gusali roon.
Aniya, si Abdulla Maute pa rin ang nagko-command sa mga natitirang miyembro ng Maute.
Aminado naman si Herrera na hanggang ngayon ay nahihirapan silang pasukin ang ilang conflict areas dahil sa mga naka-pwestong sniper sa matataas na gusali.
Kaya kahit malaki ang magiging danyos, ito ang target na patamaan ng kanilang mga airstrike.
Sa huling tala ng AFP, 366 na ang napapatay sa panig ng Maute Group habang 87 naman sa tropa ng pamahalaan.
Facebook Comments