Natitirang pondo sa 2021, pinapagamit na bago matapos ang taon

Iginiit ni Deputy Speaker Bernadette Herrera na gastusin na agad bago matapos ang taon ang “for later release” funds o iyong naka-hold na pondo sa ilalim ng 2021 budget.

Sinabi ng kongresista na ilang buwan na lamang ang natitira para gamitin ang lahat ng natitirang pondo sa mga programa at proyekto ngayong taon.

Dito aniya masusubok ang absorptive capacity o ang kakayahan ng isang ahensya na magamit ang alokasyong ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM).


Dahil nasa last quarter na ng taong 2021, ang mga tao aniya ay naghahanap na kung nasaan ang pondo at kung saan ito nagamit.

Katwiran ng mambabatas, hindi lang ang Build, Build, Build projects ang inaasahan ng mga tao kundi pati ang mga regular na infrastructure projects, pondo para sa services and supplies, gayundin ang mga pangako na cash grants at supplies subsidies sa agrikultura, agrarian reform, social welfare at iba pang programa.

Facebook Comments